Isang pagkilala sa ating mga Katutubong Pamayanang Kultural at sa paggunita ng mahalagang batas na nagtataguyod ng kanilang mga karapatan.
Nakikiisa ang Palawan State University sa pagdiriwang ng buong buwan ng Oktubre para sa Buwan ng mga Katutubong Pamayanan at ang ika-27 anibersaryo ng pagpapatibay ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) o Batas sa Karapatan ng mga Katutubo, na may temang “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan” o “Valuing, Nurturing, and Honoring Indigenous Peoples and Indigenous Knowledge!”


