Kaisa ang Pambansang Unibersidad ng Palawan sa paggunita ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya.”

Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa mga aktibidad na magtatampok sa kahalagahan ng wikang Filipino sa ating kultura at pagkakakilanlan. Palakasin ang pagmamalaki sa sariling wika, makiisa, at mag-ambag sa pagdiriwang na ito upang mas mapalaganap ang ating mapagpalayang wika at kultura sa loob at labas ng unibersidad.