Alinsunod sa Republic Act No. 9256, ang ika-21 ng Agosto ay ginugunita bilang Araw ni Ninoy Aquino bilang pag-alala sa kanyang mahalagang ambag sa kasaysayan at sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.
Nakikiisa ang Palawan State University sa paggunita sa buhay at pamana ni Senador Benigno “Ninoy” S. Aquino Jr. Nawa’y patuloy na maging inspirasyon ang kanyang katapangan at paninindigan sa pagtataguyod ng demokrasya, kalayaan, at pagmamahal sa bayan.
Walang pasok sa trabaho at klase ngayong Agosto 21, 2026 (Biyernes), alinsunod sa pagdiriwang ng Araw ni Ninoy Aquino.
“The Filipino is worth dying for.”
— Benigno “Ninoy” Aquino Jr.











